Agosto, Buwan ng Wikang Pambansa
Hango sa:
Manila Bulletin
Ika 28 ng Hulyo 2011-08-24
Ni: Hernando Malipot
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagbunsod ng iba`t-ibang palatuntunan sa lahat ng antas ng paaralan upang mahikayat ang mga mag-aaral na lumahok sa pagdiriwang ng Pambansang Wika.
Ayon kay kalihim ng edukasyon, Armin Luistro ang pagdiriwang ay nahahati sa limang(5) bahagi:
1. 1-7 ng Agosto: ang paksa ay Ang Pambansang Awit. Ayon sa ating kalihim ng edukasyon, kinakailangan masuri at mapahalagahan ang kabuluhang ng pagkamakabayan na napapaloob sa bawa`t nilalaman ng awitin.
2. 8-14 ng Agosto: Ang Panatang Makabayan
ang kahalagahan ng Pambansang Wika sa pagpapatupad ng disiplina na magbibigay daan sa pag-unlad ng bansa. Susuriin at ilalagay/itatanim sa puso ang kahalagahan ng Panatang Makabayan.
Ang mga paaralan ay magtatanghal ng dula at paligsahan sa pagsulat ng mga tula na pinapalooban ang kahalagahan ng disiplina, ayon sa ating kalihim ng edukasyon.
3. 15-21 ng Agosto: Paggamit ng wika bilang sandata para makamit ang kalayaan at katarungan. Ang mga paaralan ay magkakaroon ng panayam tungkol kasaysayan ng bansa sa pakikibaka sa kalayaan at debate tungkol sa "Kahalagahan ng Wika sa Larangan ng Katarungan"
4. 22-28 Ang paksa ay "Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas" Ang linggong ito ay nakalaan sa pagkatha ng musika at pagsulat ng manga tula na inilunsad ng pamahalaan gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, kalinisan at pag-unlag ng ating Wikang Pambansa.