
2011 Ang Panlabing-isang Taong Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Inang Wika
Ang impormasyon at teknolohiyang pakikipagtalastasan para pangalagaan at pagpapaunlad ng mga pagkakaiba ng mga wika at palawikaan.
Ang pandaigdigang araw ng mga wika ay ipinahayag sa pangkalahatang komperensiya ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization noong Nobyembre taong 1999.
.Mula noong Pebrero 2000 ay taun-taon nang ipinagdiriwang ang Pandaigdigan Araw ng Inang wika para paunlarin ang palawikaan at pagkakaiba ng kultura at ibat-ibang wika . Ang petsang ito ay sumasagisag sa araw noong 1952 ng ang mga mag-aaral ay nagdemonstrasyon para kilalanin ang kanilang wika, ang Bangla , na isa sa dalawang wika na noon ay Pakistan, Ang mga mag-aaral na ito ay binaril at pinatay ng mga pulis sa Dhaka, na ngayon ay kabisera ng Bangladesh.
Noong ika-16 ng Mayo 2009, Ang Pangkalahatang Assembliya ng Nagkakaisang Bansa sa kanilang pagpapasiya A/RES/61/266 ay nagpatawag sa mga kasaping bansa “para paunlarin ang pag-iingat sa lahat ng mga wika na ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo”. Sa pagpapasiya ring ito. Ipinahayag ng pangkalahatang assembliya na 2008 ay Pandaigdigang Taon ng mga Wika, para itaguyod ang pagkakaisa ng pagkakaiba at pangdaigdigang pag-unawa, sa pamamagitan ng multilingualism at multiculturalism.