Santa Lucia
SANTA LUCIA - ANG REYNA NG LIWANAGAng ika-13 ng Disyembre ay araw ng Lucia. Isang tradisyon na ipinagdiriwang dito sa Sweden. Maagang-maaga ay dumarating si Lucia kasama ang kanyang mga abay. Sila ay nakadamit ng puting-puti at may hawak na kandila. Si Lucia ay may ilaw na kandila sa ulo. Kumakanta sila ng kantang pang Lucia at kantang pamasko. Sa araw na ito ay kumakain ng "pepparkaka at lussekatter", tinapay na may "safran" at pasas.Ipinagdiriwang sa iba't ibang lugar, sa paaralan, sa hospital sa pabrika at sa bahay. Ang mga bata ay nakadamit ng Lucia, damitpang-abay(tärnor), lalaking bituin (stjärngossar),Santa klaus at lalaking "Pepparkaka". Sa simbahang katoliko ay ipinagdiriwang din sa araw na ito si Santa Lucia.
Si Lucia ay isang babaing taga Sicilien noong 300 dantaon. Siya ay pinatay dahil sa siya ay kristiyano. Ibinalita ng mga mandarayo na unang nakakita kay Lucia, na sa kadiliman ay nakarinig sila ng awit mula sa mga angel. Isang babaing nakaputi ang pumasok sa pintuan. May paniniwala silang ang babaing iyon ay namatay kinagabihan at patungo na sa langit.
Ang Swedish na Lucia ay nagmula sa Alemanya. Nagsimulang ipagdiwang ang Lucia dito sa Sweden noong 1700 dantaon. Dinala ng mga taga Alemanya ang kanilang tradisyon dito.Noong 1900 dantaon nagsimulang pumili ng Lucia. Sampung magagandang babae ang nagpapaligsahang maging Lucia.


