Skriv ut

on .

Kasaysayan ng Pambansang Awit

KASAYSAYAN NG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS     

Noong panahon ng himagsikan, taong 1898 sumibol ang hangarin ng mga Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo na magkaroon ng pambansang sagisag upang mapagkaisa ang bayan laban sa mga kaaway.    

Noong ika-5 ng Hunyo 1898 hinirang ni Hen. Emilio Aguinaldo si Julian Felipe, isang piyanista at kompositor na taga Kabite, na umakda ng isang martsa para sa mga maghihimagsik. Pagkaraan ng anim na araw, (ika-11 ng Hunyo) ipinarinig niya ang kanyang nabuong komposisyon kay Hen. Emilio Aguinaldo at sa mga tenyente nito. Pinamagatan niyang Marcha Filipino Magdalo. Pinagtibay noon din ang tugtugin at tinawag na Marcha Nacional Filipina (Pambansang Martsa ng Pilipinas)    

Noong ika-12 ng Hunyo 1898, Ipinahayag ni Hen. Emilio Aguinaldo sa balkonahe ng kanyang tahanan sa Kawit, Kabite ang unang nagsasariling republika sa Asya. Kasabay nito, tinugtog sa unang pagkakataon  ang nakaaantig damdaming himig ng marcha nacional na tinugtog ng banda ng San Francisco de Malabon (ngayon ay Heneral Trias). Sa araw ding ito unang iwinagayway ang pambansang watawat.


   Ang titik ng pambansang awit ay sinulat ni Jose Palma, isang 23 taong gulang na kawal. Sumulat siya ng tula na pinamagatang Pilipinas. Ito`y iniakma sa komposisyon ni Julian Felipe.

Noong 1920, ang orihinal na lirikang Espanyol ni J Palma ay isinalin sa Ingles at tagalog ni Camilo Osias at M.A. Lane.    

Noong 1956, pinagtibay ang isang bagong bersyon na iniakda ng Surian ng Wikang Pambansa. Ito ang opisyal na lirikang Filipino na inaawit sa buong bansa.